Happy Birthday BB Rhadson! Taray parang PBB lang. Pasensya na kung late ang post ko. Nagkataon kasi holiday dito kaya mejo busy. Baka sabihin mo ang dami ko nanamang dahilan, haha.

Pano ba yan 22 ka na. Naaalala mo pa ba ‘tong picture naten? Baka sa tanda mo nakalimutan mo na eh. Char! Eto yung panahong mas kinikilala natin ang isa’t-isa. Naks! Bago ka pumasok sa school lagi tayong nag-uusap. Diba?! Hihihi. Miss na kita. At may mga hindi ako makakalimutan sa samahan naten:

  • Naaalala mo pa ba nung first time natin mag-Skype, hindi ako makapagsalita. Tapos dumating si Mama bigla kong pinatay. Mehehe!
  • Yung banat ko sayo tungkol sa bag na may pagmamahal? Gusto kong iexplain noon kaso binabara mo ko eh.
  • Nung una tayong nagkita, at nagtatago ako kasi ewan.
  • Nung nagbasketball tayo, saan ba yon, basta sa Marquee Mall sa Game Chuchu. Tapos sa huli parehas may natirang bola, tig-isa tayo. Sabi ko sayo, “Kapag nagshoot to akin ka na, kapag hindi sayo na ako”, banat yun kaso ang bingi mo boy eh, sabi mo lang, “Ano?”. Tapos di ko na inulit, pero yung tira natin para sa isa’t-isa at sa kasamaang-palad parehas hindi nagshoot. Hahaha!
  • Eh yung GIF na ginawa mo habang magka-skype tayo?
  • At yung holding hands and hug via Skype? Pero nung nagkita tayo parehas nating sinabing, “Wow! Nakakapagholding hands na tayo.”, huhu.

Haaay, ang dami pa kaso sa sobrang dami nakalimutan ko na. Waht! Hahaha. Basta masaya ako para sayo, sa mga nararating mo, sa lovelife mo na kahit minsan bigo. Yun lang naman. Alam mo kumpleto ka na eh. Lovelife nalang talaga. Pero tulad nga ng sabi ko sayo wag kang padalos-dalos.

Sorry talaga kung di ako nakagawa ng isang bonggang video na tulad ng ginawa mo para sakin. Babawi ako pag-uwi at kakantahan nalang kita ulit para maiba ano? Charot! Hahaha.

Mag-iingat ka palagi ha? Alam mo kung gaano ka kahalaga sakin. Diba? Sana wag na tayong mag-away lagi. Promise, we’ll meet again. I love you Bb! Mwamwa.

PS: Sobrang special mo ngayon ha, kaya mabait tayo. Patay ka sakin bukas! Hahaha. Joke lang!

Teka, syempre dahil dito lang gumagalaw ang GIFs. Gusto kong wag mong kalimutan yung ginawa ko nung birthday mo last year. That time hindi ako busy e. Balak ko sanang ilevel-up ang quality kaso walang time. Yun lang! Smile ka lagi :)

(Source: butterklai)

98 notes
tagged as: HBDBBmatabangutakmwa